Una sa Balita

Loisa, Ronnie hindi nag-cybersex

0 12,018

Tila nakipagbuno ng landian, lambingan o nakipaglampungan si Loisa Andalio sa kanyang kasintahang si Ronnie Alonte. Nabaliw ang mga supporter ng Kapamilya actress sa tweet niya na parang ipinagmamayabang pa ang ginawa niya online sa kasintahan.

“Galing ako sa online rambulan at lambingan, ang masasabi ko lang sa inyong maangas at malalambing…mag-iingat kayo palagi, at mag- vitamins…goodnight po! Hahahaha,” sabi niya.

Sa unang interpretasyon maaring isiping may sexual undertone ang tweet ni Loisa dahil sa paggamit niya ng mga salita. Pero sa comment ng kanyang mga fan na nanood ng live feed niya sa socmed, ang sinasabi niyang landian at rambulan ay ang pagiging makulit nito.

Walang anumang cybersex ang naganap kay Loisa at kay Ronnie kundi harutan lang nilang dalawa sa harap ng kanilang mga tagahanga. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More