Una sa Balita

Loisa pinagmukhang masama ni Ronnie

By
0 1,673

Sabi ni Ronnie Alonte, kung ang Diyos nga raw ay nakapagpapatawad, siya pa kayang tao lang ang hindi? Kung lalapit daw at hihingi ng tawad sa kanya si Loisa Andalio ay patatawarin daw niya ang dalaga.

Kahit sipuning bata ay makukuha agad ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan ng aktor. Si Loisa ang nagkamali, ang dalaga ang may kasalanan, kaya ang napakatamis nilang relasyon ay biglang umasim.

Lumutang ang maraming kuwento tungkol sa kanilang break-up. Diumano, nahuli ni Ronnie ang kanyang girlfriend na may ibang lalaki, at ang masahol pa ay nahuli raw ng aktor si Loisa sa isang hindi niya inaasahang sitwasyon.

Nakakaawa naman ang babae. Ngayon ay ikinapit na sa kanyang pangalan ang pagiging malikot. Paano kung hindi naman pala totoo ang sitwasyon at inapuntahan lang nang sobrang selos si Ronnie?

Paano pa makababawi si Loisa sa mga bintang na ibinato sa kanya? Ganu’n na lang ba ‘yun? Sa isang iglap lang ay puwede nang itapon na lang nang basta-basta ni Ronnie Alonte ang mahabang panahon ng relasyon nila ni Loisa?

Ganu’n na lang ba kadaling kalimutan ang maliligayang araw na pinagsaluhan nila? Si Loisa Andalio, na kahit nagsasalimbayan na ang mga kuwentong karelasyon ni Vice Ganda ang kanyang boyfriend ay palaging nand’yan pa rin, at isandaang porsiyentong nagtitiwala kay Ronnie?

Siguradong sa pag-iisa ni Ronnie Alonte ay si Loisa pa rin ang nag-iisang laman ng kanyang isip at puso. Nilalason lang ng kung anu-anong kuwento ang kanyang utak ngayon.

Huwag sana niyang kalimutan ang batas ng buhay na kung saan at kanino ka masaya ay dumoon ka.