Una sa Balita

Loisa hindi pa sawa kay Ronnie

0 422

Abot kalawakan nga ang kilig ng mga fan sa on-screen partner at ­magdyowang LoiNie (Loisa ­Andalio at Ronnie Alonte).

Kitang-kita ang pagiging ­supportive ng dalawa sa isa’t isa sa kanilang mga laban sa katatapos lamang na Star Magic All-Star Game.

Pero ang ag­aw-eksena riyan ay ang kanilang matchy na sapatos which is ang Spongebob at Patrick version ng Kyrie Irving ng isang sikat na international brand.

Marami ngang fan na nainggit sa cute couple na ito, lalo na sa kanilang kakaibang sapatos.

Ipinagdiriwang rin ng dalawa ang kanilang higit dalawang ­taong pagsasama bilang magdyowa,­at syempre, hindi mawawala riyan ang cheesy na pagbati ni Loisa para kay Ronnie.

“Happy 33 months (heart ­emoji). Hindi ako ­magsasawang mag-cheer sa lalaking ‘to,” malambing na mensahe pa ni Loisa kay Ronnie.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy