Una sa Balita

‘I love you mister’ Loisa abot tenga ang ngiti sa sorpresa ni Ronnie

0 313

‘I love you mister’ na may kasamang pulang puso ang reaksyon ni Loisa Andalio sa pasabog na birthday surprise sa kanya ng dyowa niyang si Ronnie Alonte.

Yes, mister na nga ang tawag niya kay Ronnie, ha! Meaning, mag-asawa na ang turingan nila. Kaya kahit ano pa mang iskandalo ang pinagdaanan nila kamakailan, nananatili silang nakatayo para sa isa’t isa.

Kumbaga, thru thick and thin ang drama nila. At bongga naman, dahil ‘yung feeling na alam mong may aagapay sa tabi mo, sa panahon na nalulugmok ka, malaking bagay ‘yon para bumangon ka ulit.

“Di ako ganitong tao! pero Para sayo gagawin ko sumaya ka lang!! Happy birthday sa pinakamamahal kong babae bukod sa nanay ko!”sabi ni Ronnie.

Aba naman kasi, para sa birthday ni Loisa, pinaulanan lang naman ni Ronnie ng petals ng mga bulaklak na rosas ang paligid, at nilagyan din ng mga lobo. At siyempre, may pa-bouquet din sa kanya ang mister niya.

Kaya sino ba namang babae ang hindi liligaya kung ang mister mo ay super nag-effort talaga para mapaligaya ka lang sa special day mo?

Well, bongga talaga ang mga millennial ngayon, kabugan ng eksena, ha! (Dondon Ser-mino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy