Una sa Balita

LoiNie sa paraiso ng Amanpulo nag-anibersaryo

0 388

Sa napakagandang beach ng Amanpulo napili nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na i-celebrate ang kanilang 3rd anniversary bilang magkasintahan.

Bakas ang kasiyahan ng mga love birds habang nililibot ang dalampasigan na puno ng puting buhangin. Panay naman ang aura ni Loisa habang background ang isa sa mga tourist spot ng bansa.

Hirit ng isa via Twitter:

@Drogoluvsbubwit, “Wala bang full body?”

Sagot naman ni Loisa, “Bawal (LOL emoticon).”

Binaha naman ng pagbati at inggit sa Kapamilya love team mula sa kanilang mga fan.

Marami mang intriga ang nagdaan sa kanilang love story ay mas pinili ng dalawa na manahimik, at mas patatagin ang kanilang relasyon.

Ilan sa mga bumati sa kanilang anibersaryo sina Angel Locsin, Karla Estrada, Melai Cantiveros, at direk Theodore Boborol. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy