Una sa Balita

Locsin pinalagan ang pabebe ni Ressa

‘Wag abusado, ‘di ka ligtas sa kaso!

By
0 723

KINASTIGO ng beteranong mamamahayag at kasalukuyang Foreign ­Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang kahibangan umano ni Rappler chief ­executive officer Maria Ressa na hindi maaaring buweltahan at kasuhan ang mga mamamahayag bilang ganti sa kanilang mapanirang artikulo o ulat.

Sa kanyang tweet, ipinahiwatig ng kalihim na mistulang kapritso ang nais ni Ressa na mailigtas sa anumang ­paglilitis ang mga mamamahayag ­kahit nakagawa sila ng mali o maakusahan ng isang krimen.

Kahit aniya mga hari ay nililitis din at pinupugutan pa ng ulo kapag napatunayang nagkasala kaya hindi dapat maging lisensya ang pagiging mamamahayag para makalayang makapagsulat o makapaghayag ng nakasisira sa ibang tao.

“Rappler outcry proposes that journalists are entitled not just to Presidential immunity from suit during tenure but blanket immunity from so much as a hint of suspicion of wrongdoing let alone accusation of a crime. Not even Kings were so entitled as shown by their beheadings,” ayon sa post ni Locsin.

Hindi na ikinagulat ng ilan ang pagsawsaw ng kalihim sa isyu kay Ressa dahil sa direkta at prangka nitong imahen pagdating sa mga pananaw sa mga usapin sa bansa.

Hindi umano napigilan ng kalihim ang kanyang sarili na hindi magsalita sa isyu dahil hindi akma sa kanyang panlasa ang patuloy na drama ni Ressa na biktima siya ng panggigipit ng malayang pamamahayag nang arestuhin siya ng mga ahente ng National ­Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang opisina sa Pasig City noong Miyerkoles dahil sa cyber libel na isinampa ng ­negosyanteng si Wilfredo Keng.

Inakusahan ni Ressa si Pangulong Rodrigo Duterte na utak umano ng pag-aresto sa kanya bilang bahagi ng paninikil nito hindi lang sa Rappler kundi sa buong industriya ng pamamahayag sa bansa na may lakas ng loob na batikusin ang kanyang administrasyon.

Inalmahan din ang akusasyong ito ng isa ring media personality na si Jay Sonza na nagsabing 4 taon bago maluklok sa puwesto ang Pangulo ang reklamo laban kay Ressa kaya’t ito ay isang malinaw na katangahan.

“Implicating Mr. Duterte of the ­government in a case filed by a businessman 4 years before Duterte ­became President is plain simple ­stupidity,” ­bahagi ng tweet ni Jay Sonza.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy