Una sa Balita

Locsin: Giyera laban sa mga pedophile ikasa

0 189

SA pagsasabing sumasabay ito sa problema ng iligal na droga, nanawagan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa gobyerno na maglunsad din ng giyera kontra sa mga pedophile.

Sa kanyang tweet nitong Lunes, Abril 15, binanggit ni Locsin na talamak ang pedophile trade sa bansa na mas nakakabahala aniya kumpara sa kalakaran ng iligal na droga.

Isiniwalat pa ng kalihim na ire-report niya sa United Nations (UN) ang talamak na pedophile trade sa bansa.

“But all over the country, as I will report to the UN, pedophile trade is rampant, worse than the drug trade because sicker. We need a war on pedophiles and in general men who like young women and little boys,” giit ni Locsin.

Ginawa ng kalihim ang pahayag nang tanungin ito sa Twitter tungkol sa mga human trafficker na patuloy na nambibiktima sa bansa.

“Hindi po ba mahuli huli yang mga human traffickers na yan? Ilang Filipina pa po ba ang mabibiktima bago mawala yang mg ayan sa labas ng selda?” saad ng isang netizen.

Idinagdag naman ni Locsin na karamihan sa mga human trafficker ay nasa Mindanao pero hindi niya magawang ipadala ang mga tauhan niya doon dahil sa posibleng mapatay lang ang mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy