Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lockdown sa Kamara awat na

0 41

Aalisin na ang ipinatupad ng lockdown sa Kamara sa darating na Lunes (Enero 17) kasabay ng pagbabalik-sesyon ng Kapulungan.

Ayon ito kay House Sec.Gen. Mark Llandro Mendoza ngunit paglilinaw nitong lilimitahan pa rin sa 30% ang pagpapasok ng empleyado.

Bukod dito, pansamantalang hindi muna magpapasok ng mga bisita ang kapulungan.

Pagdating umano sa session hall, ililimita lamang umano hanggang 30 kongresista ang makakapasok sa loob habang 25 namang staff.

Samantala, pawang online or hybrid muna ang mga gagawing Committee hearing.

Una nang isinailalim sa lockdown ang kapulungan mula nang tumaas ang COVID cases sa Metro Manila dala ng Omicron variant.

Kasabay nito, inanunsiyo ni Mendoza na nakapagtala na ang Kamara ng 70 aktibong kaso. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.