Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lockdown sa BGC construction site: 6 trabahador COVID carrier

0 747

Inutos ng pamahalaang lokal ng Taguig City na i-lockdown ang isang construction site sa Bonifacio Global City kung saan anim na mga trabahador ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tatagal ang lockdown ng dalawang linggo o hanggang Hulyo 7 base sa rekomendasyon ng Safe City Task Force.

Ayon sa lokal na pamahalaan, Hunyo 18 nang puntahan ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang construction site matapos makatanggap ng impormasyon na nagkaroon ng sintomas ng sakit ang ilan sa mga trabahador nito.

Your email address will not be published.