Una sa Balita

Localized peace talks pagkakaperahan — Bayan Muna solon

By
0 855

Duda ang isang mi­litanteng kongresista sa ipinopormang loca­lized peace talks.

Ayon kay Ba­yan Muna Rep. Carlos Isa­gani Zarate, hindi malayong pagkape­rahan lamang ito ng mga tiwaling local go­vernment unit (LGU) at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Inihalimbawa ni Zarate ang ginawa ng AFP sa P192.5M ha­laga ng pondo para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) program sa Maguindanao noong 2012 na laan sa road projects sa ilalim ng Disbursement Accele­ration Program (DAP) pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin naipatutupad.

Pinasosoli na ni Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza ang pondo dahil hindi na naman naisaayos ang pagpapasemento ng kalsada sa Lamud-Ganassi-Biarong sa munisipalidad ng South Upi gayundin ang Makir-Sibuto-Kinabaka road sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Ang ganitong klase ng anomalya batay kay Zarate ay lalala lamang kapag ipinatupad ang localized peace talks.

Magiging problema rin aniya ang pango­ngolekta ng bounty mula sa mga pekeng surrenderee.

Ganito aniya ang nangyari sa mga nakaraang administrasyon na gumagamit ng mga Order of Battle o hit list laban sa mga aktibista at mga kritiko ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Zarate na umaabot sa 1,206 ang naging biktima ng extrajudicial killing at 206 naman ang nabiktima ng sapilitang pagkawala o pagdukot dahil sa Oplan Bantay Laya.

Pero hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin aniya ang mga pagpatay at pagdukot sa ilalim ng Oplan Kapayapaan.

“Itigil na itong planong localized peace talks dahil pagkaka­kitaan lang ito ng mga tiwaling miyembro ng AFP, PNP at LGUs. Hindi nito malulutas ang pangkalahatang problema ng samba­yanang Pilipino, gaya ng kawalan ng lupa, kahirapan at iba pang pambansang suliranin. Hindi uubra ang piece meal at papatse-patseng localized peace talks, kaya mas mabuti na muli na nilang buksan ang usapang pangkapayapaan sa NDFP,” giit ni Zarate.
***