Una sa Balita

Local exec lumabas ang pagkamatrona kay PM Trudeau

By
0 31

Mistulang nakatuntong sa ulap ang dalawang­ may edad ng lokal na opisya­l matapos mapabilang sa welcoming committee na naatasang sumalubong sa mga state leaders na delegado sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa bansa.

Sila kasi mga utaw ang sumalubong sa Prime Minister ng Canad­a na si Justin Trudeau at agad na nabighani sa karisma ng guwapong Prime Minister­.

Si Madam ang unang kinamayan ng guwapong si Trudeau at saglit na natulala at nabighani sa dayuhang lider.

Habol ng tingin, hindi maalis ang malagkit na titig ni Madam official kay Prime Minister Trudeau habang kinakamayan na ang ibang kasamahang opisyal na sumalubong sa bisita.

Pero kuwidaw dahil tila may karibal si Madam sa pagkabighani dahil maging ang kasamahan nito ay kakaiba ang guhit ng ngiti sa kanyang mga labi nang magdaop ang kanilang palad ni Trudeau.

Medyo awkward lang dahil lalaki ang karibal ni Madam official na narahuyo sa charm ni Prime Minister Trudeau.

Nakakatawang tingnan ang dalawang opisyal dahil kahit nasa dulo na ng pila ang guwapong Prime Minister ay habol-habol pa rin ang tingin sa kanya at dahil marahil sa gigil ay nakurot nito ang katabing kasamahan.

Ang Madam official na nabighani ng heartthrob na si Trudeau ay local official at kinikilalang ‘nanay’ ng kanyang mga constituents, habang ang karibal sa paghanga ay lalaking opisyal na medyo may edad na pero puwedengpuwede pa.

Si madam official ay tanyag sa kanyang nasasakupan na kila­lang balwarte ng iligal na sugal at kahit ilang admi­nistrasyon na ang nagdaan ay hindi pa rin nawawala ang iligal na ‘tenghuwe’…siya ay si Madam may isang letran­g ‘a’sa pangalan at may ‘a’ din sa apel­yido­.