Una sa Balita

Lobby money vs Gina, posible — JV

By ,
0 96

Maaaring may katotohanan nga ang sinasabing ‘lobby money’ na dahilan ng pagkakabasura ng nominasyon ni Gina Lopez sa Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon ito kay Sen. JV Ejercito kasabay ng pagsasabing hindi maalis ang pagdududang naimpluwensiyahan ang pagboto ng mga miyembro ng komisyon dahil may ilang miyembro ng komisyon na konektado sa mining operations.

Ito umano ang dahilan kaya una na niyang hiniling na dapat mag-inhibit ang mga miyembro na may koneksiyon sa mi­ning business.

Mayroon umanong dalawa hanggang tatlong miyembro ng komisyon ang konektado sa mining operations.

Partikular na tinukoy ng senador ay si San Juan Rep. Ronaldo Zamora na nagmamay-ari ang pamil­ya ng isang malaking mining firm.

Si Zamora ang head ng CA House contigent.

Magugunitang si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mismong nagsabi na may gumalaw na “lobby money” na dahilan ng pagkakabasura sa nominasyon ni Lopez.

Kahapon ay idinipensa ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si Pangulong Duterte sa pahayag nito ukol sa pananaig ng ‘lobby money’ para mabasura ang appointment ni Lopez.

Ayon kay Aguirre, ma­lawak ang ‘intelligence sources’ ng Pangulong Duterte kaya may matibay na basehan ang kanyang mga pahayag.

Sinabi pa ni Aguirre na sadyang nangyayari na ang ganitong mga bagay kung saan ay nagagamit ang pera sa panunuhol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy