Una sa Balita

Japan inuga ng twin-quake

0 1

Inuga ng magkasunod na magnitude 6.5 at magnitude 5 na lindol ang southern Japan kahapon ng umaga na wala namang tsunami alert na inilabas.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nangyari ang unang pagyanig bandang alas-10:54 ng umaga kung saan naitala ang epicenter nito 250 kilometro sa coast ng Naha, ang kapitolyo ng Okinawa Prefecture na may lalim na 10 kilometro.

Apektado sa naturang pagyanig ang Miyakojima City, 150 kilometro mula sa epicenter na may 56,000 na residente.

Abante Hiring – IT dep

Bandang alas-11:06 naman ng umaga, naramdaman ang magnitude 5 na lindol sa kaparehas na epicenter.

Wala namang naitalang napinsalang gusali o mga namatay bunsod ng malakas na lindol.