Una sa Balita

LJ REYES NINAKAWAN NG DRIVER NI GARDO VERSOZA

By
0 11

Personal na dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang batang aktres para pormal na ireklamo ang driver at personal assistant naman ng isang aktor dahil sa pagnanakaw ng P3K sa bag ng biktima na naiwanan sa dressing room ng GMA-7 sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni QCPD Kamuning Police Stn. chief, P/Supt. Pedro Sanchez, ang biktima na si Lourna Jane Reyes y Pujeda, 29, single, mas kilala sa tawag na LJ Reyes ng showbiz, taga-Ignatius St., Brgy. Sacred Heart, QC.

Kasalukuyan namang nakadetine ang naarestong suspek na si Lionel Lora y Bersabal, 32, single, driver/PA ng betera­nong aktor na si Gardo Versoza, tubong Libagon Southern Leyte at naninirahan sa No.484-Villa Raymundo St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Sa sinumpaang salay­say ni LJ Reyes kay PO2 Jonald Unida, imbestiga­dor, nangyari ang pagnanakaw dakong alas-12:05 ng hatinggab­i sa dressing room ng GMA-7 Annex.

Sinabi ni LJ na nasa shooting siya ng ‘The Originals’ sa basement ng GMA Annex nang tinawag siya ng kanilang therapist na si Albert Bravo.

“Sinabi niya sa akin na umakyat muna ako sandali sa dressing room dahil hinalungkat daw ng dri­ver ni Kuya Gardo Versoza ang bag ko,” ayon sa pahayag ni LJ Reyes kay PO2 Unida.

Pagdating sa dressin­g room ay naabutan ng biktima ang suspek at si Gardo Versoza at mismong ang aktor umano ang nagsabi kay LJ Reyes na i-check nito ang kanyang bag dahil hinalungkat daw ng driver nito.

Nang i-check umano ng biktima ay nadiskubre nito na kulang ng P3K ang kanyang pera sa pitaka dahil naglalaman ito ng P6K.

Nang dalhin sa Kamu­ning police station, nare­kober sa suspek ang P3K na kinuha nito sa bag ni LJ.