Una sa Balita

LJ Reyes lampaso sa kasikatan ni Ryza Cenon

By
0 6,010

Balik-tambalan sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa coming GMA series na The Cure. Reunited ang former reel and real loveteam nu’ng ganapin ang story conference ng primetime program.

Naghiwalay man sina Jen at Mark, nanatili silang magkaibigan kaya walang problemang pagsamahin sila kahit may iba na silang partner.

Makakasama nina Jen at Mark sina Tom Rodriguez, LJ Reyes, Ken Chan at Arra San Agustin. Mula ito sa direksyon ni Mark Reyes.

Aba, kailangang magpakitang-gilas ngayon ni LJ sa bagong series niyang ito dahil napag-iiwanan na siya ni Ryza Cenon na kasabayan niya noon sa isang season ng Starstruck, huh!

Namamayagpag ngayon si Ryza dahil sa Ika-6 na Utos kaya naman mabenta siya ngayon bilang leading lady sa big screen, huh!