Una sa Balita

LJ Reyes binuntis ni Paolo Contis

0 2,007

abante-anything-goes-jun-lalinAng bongga lang at parehong in the news ang mag-ex sweethearts na sina Paulo Avelino at LJ Reyes, huh!
Si Paulo, pinag-uusapan hindi lang dahil sa period movie niya na “Goyo: Ang Batang He­neral”. May tsika kasing magpapahinga na muna siya at hindi na magpapaka-active sa kanyang showbiz career.

Siguro, after ito ng “The General’s Daughter na isa siya sa mga leading man ni Angel Locsin.

Si LJ Reyes naman, pinag-uusapan dahil buntis at siyempre, ang boyfriend niyang si Paolo Contis ang tatay, ‘noh?!
Eh, hindi ba, si Paolo rin ang parang tatay na ni Aki na ang tatay ta­laga ay si Paulo na matagal ding nakarelasyon ni LJ, huh!

Sobrang excited nga raw sina Paolo at LJ sa pagbubuntis ng huli.

Siyempre, kung kay Aki nga ay sobrang parang tatay ang dating ni Paolo, kaya alam na natin na magiging mabuting tatay talaga siya sa ipinagbubuntis ngayon ni LJ!

Tsismisan sa Tokyo

Back to reality tayo ni Salve Asis, Dondon (my dear editor), after ng bakasyon natin sa Tokyo, Japan!

Actually, ang sarap din ng bonding natin doon lalo na at sinamahan pa tayo ng Ate mo na si Riza, plus her friend, Nora Morita (na hindi purita dahil sobrang generous sa pagti-treat sa atin na kumain).

Alam mo Dondon, ang dami-dami nating napagtsikahan na mga tsismis sa showbiz, kaya lalong sumaya ang bonding natin.

Pero bilib ako sa inyo ni Salve, dahil talagang hanggang sa Tokyo, wala kayong tigil sa pagde-deadline, huh!

Richard enjoy sa kalandian ni Vice Ganda

Alam mo, Dondon, like us, nag-break din noong weekend si Richard Gutierrez at kasama ng ilang mga kaibigan ay nag-motor pa-Tagaytay City kung saan ay pinuntahan nila ang farm ng isa nilang kaibigan.

Nagkasunod-sunod din kasi ang shooting ni Richard para sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Star Ci­nema at Viva Films, ang “Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya” kaya nang magka-break siya noong Sunday, nag-motor naman sila ng kanyang mga kaibigan na ka-group niya sa isang motorcyle club.

Actually, sobrang enjoy raw ‘yon, sabi ni ­Richard, kaya inggit nga ako at parang type ko na rin na bumili ng motorcycle, huh!

Anyway, this week naman, tutok na uli si Richard sa shooting ng “Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya” at looking forward siya sa bonding nila ni Vice at ng ibang cast sa set.

Sabi nga kasi ni Richard, sobrang ang sayang kasama ni Vice sa shooting, kaya naman enjoy raw.

“Minsan, madaling araw na, pero hindi namin ramdam ang pagod kasi masaya lang sa set,” sabi pa ni Richard.

Ang panganay nga ni Richard, si Zion, excited na raw na mapanood ang nabanggit na pelikula.

Panay kasi ang kuwento ni Richard kay Zion tungkol sa shooting nila ng “Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya”. Minsan nga raw, gusto pang bumisita ni Zion sa set ng nabanggit na pelikula.

“Excited na si Zion,” dagdag pa ni Richard.