Una sa Balita

LJ-PAOLO, KASAL NA LANG ANG KULANG!

By
0 9

Sa June ay 7-year old na si Aki, ang anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino kaya ­siguradong magkakaroon ito ng ­birthday celebration. Mabilis ang sagot ni LJ nang, ­“palagi ko naman siyang ini-invite,” nang ­tanungin namin kung imbitado ba ang Daddy sa birthday party ng anak.

“Last year kasi, walang party si Aki. Pero noong huling party ni Aki, noong 5th birthday niya, nandoon siya.”

Pero as we all know, ang present relationship ni LJ ngayon ay si Paolo Contis kunsaan, tila suportado siya nito sa lahat ng bagay. Eh, LJ played D’ Original wife sa afternoon prime nila na D’ Originals. Misis siya ni Mark Herras at ang kabit nito ay mismong kapatid niya na si Lovely Abella.

Kaya naitanong namin sa kanya, what if (‘wag naman) na mahuli niyang nambabae si Paolo, papatawarin ba niya ito dahil mahal niya o hihiwalayan niya na?

“Hindi naman maganda na parang ganu’n, magiging pangit ang relationship ‘di ba?”

Sa estado, sa maturity, at sa age niya raw ngayon, siguro raw, kakausapin niya si Pao, pero ayaw na raw niya. Katwiran pa niya, ­meron na naman daw siyang Aki. Hindi na niya ­gustong sayangin ang oras niya kung hindi rin pala.  ­Dahil ang oras daw niya ay mas kay Aki.

Inamin ni LJ na in the past, hindi man niya nahuhuli ng out na out, pero sa cellphone raw ay nakakahuli siya. At sey niya, nandiyang hindi na lang siya makahinga kapag nakakadiskubre siya.

With LJ and Paolo now, parang kasal na lang talaga ang kulang. Pero dahil nasa proseso pa ang past marriage ni Paolo sa misis nito na si Lian Paz kaya nasa waiting stage pa sila sa bagay na ‘yun.