Una sa Balita

LJ, Paolo binalak bumili ng baby

By
0 420

abante-talbog-joe-barramedaKakaibang glow meron ngayon si LJ Reyes at maging si Paolo Contis tuwing pinag-uusapan ang kanilang paparating na baby.

“Nangungulit na si Aki, early this year pa, na magka-baby o magkaroon ng kapatid. sabi ko, ‘Paano namin ibibigay, hindi naman yan basta nabibili sa mall,” kuwento ni LJ. “Pero sinubukan naming bumili,” biro naman ni Paolo.

Wala raw silang wish na gender ng baby, dahil ang priority nila ay healthy ang bata. “Basta sampu ang daliri sa kamay, pito sa ka­nan at tatlo sa kaliwa,” pabirong hirit muli ni Paolo.

Anyway, plano raw nilang magkaroon ng gender-reveal party, dahil na rin ito ang wish ng pamilya ni LJ. Talagang blessing sa buhay ng dalawang Kapuso stars ang bago nilang baby at mas sasaya pa ang pamilya nila dahil sa good vibes na dala nito.

***

Yasmien wagi sa laban sa HIV

Wagi sa pakikipag­laban sa HIV ang karakter ni Yasmien Kurdi sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na si Thea, at nagbunyi ang viewers sa Twitter. Kasabay ng tagumpay ni Thea ang mataas at pagwawagi ng show sa ratings hanggang huling episode nito! Talagang inabangan nila ang ending kahit pa karamihan ay nagpahayag kung paano nila mami-miss ang palaban na karakter ni Yasmien.

Pinatunayan ng show na may maituturo silang aral sa mga manonood dahil ayon sa netizens ay mas naintindihan nila ang pinagdadaanan ng mga taong may HIV dahil sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Asahang mas mga palaban at kakaibang shows pa ang mapapanood sa Kapuso Network dahil sila lang ay may tapang na bumuo ng mga ganitong konsepto, noh!