Una sa Balita

LizQuen sexy, spunky sa bagong teleserye

0 688

Maraming fan ang nag-aabang kung ano na ba ang update sa kanilang idolo na si Liza Soberano matapos ang higit dalawang buwan na pag-stay nito sa US para sa kanyang finger surgery.

May pakonti-konti namang update na nakukuha ang mga fan mula sa Instagram ng aktres. Tulad na nga lang kamakailan ay binigyan ng pagkakataon ni Liza na makapag interact sa kanya ang mga fan sa pamamagitan ng question box sa IG.

Dito nalaman na medyo naka-recover na ang aktres mula sa sinapit nitong injury, dahil nabanggit ng aktres na nagwu-workout pa rin ito.

Pero guess what? Mas masaya ngayon ang mga fan na nagbigay ng update ang manager ni Liza na si Ogie Diaz sa pamamagitan ng vlog nito.

Sa vlog ni Ogie, ipinakita rito ang kulitan kasama ang LizQuen at ang pahap­yaw kung saan galing sila ng story confe­rence para sa upcoming teleserye ng dalawa.

Bagaman hindi pa maaring banggitin ni Ogie ang iba pang detalye tungkol sa pinaghahandaang teleserye ng LizQuen pero ipinakilala na nito ang magiging direktor na si Richard Arellano.

Kinapanayam ni Ogie ang dalawa para hingan ng update sa mga kaganapan ng LizQuen, nabanggit ni Liza na nasa ABS nga sila para sa story conference ng bagong teleserye nila.

“Nako naririnig nga namin sa social media. ‘Wag kayong mag-alala guys! Malapit na kaming lumabas!” sabi naman ni Quen.

Nang tanungin naman kung anong pinagka­iba ng pinaghahandaan nilang story ngayon sa mga nagawa na nila dati, sinabi ni Quen na mas “spunky” si Liza, habang para naman kay Liza ay mas “sexy” raw sila sa aabangan na teleserye nila.

Habang namamahinga naman sa showbiz ang dalawa sa sandaling panahon, naging kapwa abala sila sa kanilang personal na buhay. Si Quen ay busy sa kanyang negosyo habang si Liza ay tinutukan ang kanyang pag-aaral.

“In love na in love pa rin po kami sa isa’t isa,” energetic na sagot naman ni Liza. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy