Una sa Balita

LizQuen serye super taas ng rating

0 669

Ang bongga lang ng pilot telecast ng “Make It With You” ng reel and real sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil, huh!

Sabi ni Aaron Domingo ng Corporate Communications ng ABS-CBN, nearly double raw ang na-register na rating ng “Make It With You” noong Monday compared sa katapat nilang series.

That’s according to Kantar Media raw.

Well, ang bongga, kaya congratulations sa LizQuen at sa lahat ng bumubuo ng “Make It With You”!

Ina ni Alessandra nanghinayang sa pagkamatay ng Taal hero

Alam mo, Dondon, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko habang gumagawa ng column today. Sobrang sad ko!

Actually, puyat ako dahil sa sadness na nararamdaman ko pagkatapos akong i-message ng nanay nina Assunta at Alessandra de Rossi kahapon ng madaling-araw.

Sa message sa akin ni Nenita Schiavone (ang surname talaga nila), sinabi niyang, “Natatandaan mo si Ben, ‘yung nakasalubong natin sa Lecce (Italy) at ininterbyu mo para sa show mo sa Abante (News Online), ‘yung anak niya sa Batangas, naaksidente, patay, kawawa naman!”

Si Ben ay ‘yung Pinoy na nakasalubong namin ni Mommy Nenita sa Lecce habang gumagawa ako ng episode sa lugar na ‘yon para sa “Anything Goes” show ko noong December (na naipalabas na).

Ang bait nga ni Ben dahil bukod sa nagpaunlak siya na mainterbyu, nag-invite pa siya sa amin ni Mommy Nenita na kumain and after, isinama niya kami sa bahay nila at ipinakilala sa misis niya.

Si Ben ang tatay ng isa sa tatlong namatay sa vehicular accident sa national highway sa San Jose, Batangas after manggaling sa pagdi-distribute ng relief goods sa mga nasalanta ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Anak ni Ben si Rio John Abel na graduate sa De La Salle University-Lipa.

Nang kakuwentuhan ko si Ben, ipinakita pa niya sa akin ang Facebook account ni Rio John at pinatutulungan niya sa akin ang anak na makapag-inquire ng trabaho abroad dahil chef nga ito.

Kuwento pa ni Mommy Nenita, “Umuwi na ng Philippines si Ben kasama ang misis niya. ‘Yung anak nilang babae na based sa Canada, kagagaling pa lang daw ng Philippines. Parang three days pa lang na nakakabalik sa Canada, pero sabi sa akin ni Zeny (kapatid ni Ben), uuwi rin daw ng Philippines.”

Naalala ko pa nga ang kuwentuhan namin nina Mommy Nenita at Ben na nag-ninang pa sa binyag ng isang pamangkin ng huli si Alessandra de Rossi, kaya nakapunta na raw ang aktres sa lugar nila sa Batangas.

To the family of Rio John Abel, pati sa dalawang kasama niya na nasawi sa nasabing vehicular accident, our condolences!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More