Una sa Balita

LizQuen pakakasal na

0 559

‘PAKASAL NA KAYO!!!!’ ang halos sabay-sabay na sigaw ng mga fan sa Instagram post ni Enrique Gil ng photo nila ni Liza Soberano, na kung saan ay sangkatutak na pula at asul na bulaklak ang hawak nila, with matching lobo pa.

At siyempre, makatunaw ng puso, at maiihi ka talaga sa sobrang kilig dahil sa mensahe ni Enrique kay Liza.

“You are my world, my everything. You are the reason why my life is amazing and never dull. Thank you for having a beautiful heart and loving me unconditionally. You’re my forever baby, I love you, Happy Valentines Love,” ang nakababaliw na paghayag ng pagmamahal ni Enrique kay Liza.

Kaya ang mga fan, hindi talaga naiwasan ang umasam na ikasal na ang dalawa. At oo naman, mukhang sa kasal na rin talaga mauuwi ang lahat.

Heto pa ang reaksiyon ng mga tagahanga nila:

“Omg couple goals,” sey ni @unikeii.

“Proposal na…,” bulalas ni @lanelgallardo.

“Tsar… buo na Valentines namin parang may jowa na rin kami hahahaha,”
sambit ni @iamnorlika.

“Sana all. Happy Valentines lovebirds,” wika ni @cilcanlas23.

Ang bongga lang na habang tumatagal ay lalong nagiging malambing sa isa’t isa ang dalawa. Limang taon na nga silang magdyowa, at nitong Oktubre 2019 nga ay nag-celebrate sila ng kanilang panglimang anibersaryo bilang magdyowa. (DS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More