Una sa Balita

LizQuen, MayWard, Maine, Anne kabugan sa pananakot

By
0 497

Sangkatutak na Halloween party nga ang naganap kagabi, at kanya-kanyang eksena ang mga artista natin. At kahit sa mga TV show, tulad ng Showtime at Eat Bulaga, kanya-kanyang eksena ang mga host nila, ha!

Sa isang Halloween party (#HauntedHollwood), kanya-kanyang pasiklab sina Liza Soberano, Enrique Gil, Maymay Entrata, Edward Barber, ha!

Si Liza nag-ala Pennywise (na mula sa movie na IT). Pero, kaloka lang na kahit pina-chaka na ni Liza ang itsura niya, gandang-ganda pa rin sa kanya ang mga fan, ha! At si Enrique naman, nag-ala-Joker, na mas lalo yatang lumutang ang kaguwapuhan.

Winner din sina Maymay at Edward. Si Edward bilang si Chucky at si Maymay bilang si Annabelle. Si Edward, kahit lagyan mo ng peklat ang mukha, super pogi pa rin. At si Maymay, bagay sa kanya ang may bangs, ha! At lalong gumanda ang mga mata niya.

Sa Eat Bulaga naman, ibang-iba ang drama ni Maine Mendoza. Orig na orig talaga siya. Ima­gine, super effort talaga siya sa costume na isang girl na parang umeebak. Winner nga dahil para talaga siyang nakapatong sa inidoro, at with matching facial expression pa na umiiri. Nakakatawa talaga. Winner din ang Moana peg ni Ryza Mae Dizon.

“Moana-ng makain,” patawa ni Ryza Mae.

Sa Showtime naman, lalong gumanda, sumeksi si Anne Curtis bilang si Harley Quinn.

“Happy Halloween and happy 10 million Instagram family. Love ya my puddin’s!” say ni Anne.

Sweeney Todd naman si Vhong Navarro, na mula sa movie na The Demon Barber of Fleet Street.

Well, for sure mas marami pang pasabog, kaya abangan ang mas marami pang paepek na kostyum ng mga sikat na artista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy