Una sa Balita

LIZQUEN, KATHNIEL, KIMERALD, SOLID KAPAMILYA PA RIN!

Liza at Enrique
0 4

Mga naglalakihang bituin, kabilang ang mga kinakikiligang loveteams, ang mananatiling solid Kapamilya matapos pumirma ng kani-kanilang mga eksklusibong multi-program contract sa ABS-CBN nitong unang quarter ng taong 2017.

Patuloy na magpapakilig sa iba’t ibang Kapamilya pro­jects ang mga loveteams na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), at Kim Chiu at Gerald Anderson (KimErald).

Kasama rin sa mga pumirma ng kontrata ang “It’s Showtime” at “Gandang Gabi Vice” host na si Vice Ganda, “Nor­thern Lights” lead actor Piolo Pascual, “A Love To Last” cast members na sina Bea Alonzo, Enchong Dee, at Julia Barretto, ang “Wildflower” stars na sina Maja Salvador at Joseph Marco, Julia Montes na may upcoming Kapamilya series na “Victims of Love,” ang mga host ng “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, “I Can Do That” stars na sina Pokwang at Robi Domingo, isa sa mga bida ng ser­yeng “The Better Half” Shaina Magdayao, Jessy Mendiola ng “Banana Sundae,” at ang mga aktor at aktres na sina Erich Gonzales, Sam Milby, Isabelle Daza-Semblat, at Richard Yap.

Mainit din ang pagtanggap ng ABS-CBN sa nagbabalik Kapamilya na singer/songwriter na si Ogie Alcasid. “Your Face Sounds Familiar Kids” ang kasalukuyang proyekto ni Alcasid kung saan isa siya sa mga judge. Pumirma rin ng kani-kanilang kontrata ang mga aktres na sina Bela Padilla at Yassi Pressman. Si Padilla ay kasalukuyang nasa primetime series na “My Dear Heart,” samantalang nasa top-rating primetime show naman na “FPJ’s Ang Probinsyano” si Pressman.