Una sa Balita

LizQuen, KathNiel bantay-sarado

0 388

Susunod sa JaDine?

Dahil sa kumpirmasyon na hiwalayan ng JaDine, maraming fan ang nalungkot at pati ang iba pang love team ay kanilang pinaalalahanan. Hinihiling ng mga fan na huwag naman sanang dumating din ang point na pati ang LizQuen at KathNiel ay magwakas din.

Malakas naman ang paniniwala ng iba na matatag ang relasyon ng dalawang love team at mahirap buwagin. Ikinalulungkot lang talaga ng mga fan na sa susunod na mga espesyal na kaganapan gaya ng ABS-CBN Ball ay hindi na nila makikita together sa red carpet ang JaDine.

Tinawag pa ng mga fan na “last couple standing” ang LizQuen at KathNiel dahil among the love teams nga na kanilang inaabangan lagi ay sila ang laging nagsa-stand out.

Though hindi pa rin maiwasan ng iba na mangamba sa dalawang love team na natitira lalo na at may hinaharap nga kanilang network na pagtatapos ng franchise.

Panawagan ng mga fan sa kanilang mga favorite love team na LizQuen at KathNiel “Please dont end, even there seems to be an ending in your network,” sabi ng isang fan.

“Naniniwala pa rin ako sa forever, andyan pa ang LizQuen and KathNiel,” hirit naman ng isa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More