Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LizQuen, Erich mapapanood na sa Cignal

0 248

Pasabog agad ang pambungad ng Jeepney TV sa 2021 ng mga paboritong Kapamilya teleserye pati na ang pagiging available nito sa Cignal channel 44 na siguradong maghahatid ng saya sa mas maraming Pilipinong manonood.

Una sa mga handog ng Jeepney TV ang pagbabalik ng hit ABS-CBN fantaserye nina Enrique Gil at Liza Soberano na “Bagani,” kung saan pwedeng balikan ng LizQuen fans ang istorya kung paano pinroktektahan nina Lakas, Ganda, at iba pang Bagani ang lupain ng Sansinukob.

SM food to go Banner Ad

Mapapanood din ulit ang romantic-drama series na “Be My Lady” nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga tampok ang masiyahin at masipag na karakter ni Pinang at kantang “Tatlong Bibe” na tiyak na magdadala ng saya at inspirasyon sa mga manonood.

Nagbabalik din ang komplikadong kwento nina Andrea, Veronica, Rafael, at Miguel sa “Kahit Puso’y Masugatan” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion, tungkol sa mga panganib ng pag-ibig.

Samantala, mapapanood na ng Cignal viewers ang tinaguriang ‘pambansang game show’ na “Game KNB?” sa pag-ere nito sa Jeepney TV para sa ikalawang season, bukod sa paglalaro nito sa Pinoy livestreaming app na Kumu (@gknb). Maaari din nilang sundan ang primetime dramas ng Kapamilya Channel sa Jeepney TV at mag-catch up sa “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 pm, at tuwing Sabado ng 8 pm. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.