Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LizQuen bet ni Marcoleta

0 1,032

Sa kalagitnaan ng hearing tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN noong Lunes, inamin ni Cong. Rodante Marcoleta na tagahanga ng LizQuen ang kanyang asawa at masugid na tagasubaybay ito sa teleseryeng “Make It With You.”

“‘Yung ‘Make it With You’? Alam ko po ‘yan e. Kasi ang asawa ko ay fan ni Enrique Gil at ‘yung si Liza Soberano. Kaya ko po napapanood yun, ayaw po kasi ng asawa ko nanonood siya na wala syang kasama,” wika niya.

Dahil dyan, naisip na suhestiyon ng mga netizen ay baka pwedeng papuntahin ang LizQuen sa susunod na pagdinig upang magbakasakali na mabago ang isip ng mga mambabatas at mabigyan na ulit ng pagkakataon ang Kapamilya Network.

Magaganap ang susunod na hearing sa Huwebes. Makapupunta o maiimbita kaya ang LizQuen dito? (Athena Yap)

Leave A Reply

Your email address will not be published.