Una sa Balita

Liza uunahan ni Vice Ganda sa Darna

0 196

Marami na raw ang naiinip na tila wala pa ring balita tungkol sa pagsisimula ng Darna ni Liza Soberano. Worried nga ang fans ni Liza na dahil nga raw sa holiday season ngayon at puro handaan ang eksena ng mga utaw, e, baka tumaba si Liza sa kakain, huh!

Siyempre, magkakaroon ito ng problema sa fit ng costume niya lalo na at tabain ang young actress. Pero, marami naman ang nagsasabi na conscious naman ito sa kanyan diet at aware ito sa hindi siya dapat tumaba this holiday season para hindi na siya mahirapan mag-diet kapag nagsimula nang magrolyo ang kamera para dito.

Anyway, marami ta­laga ng natuwa nang nakita sina Liza at Angel Locsin na magkasama sa Christmas Special ng ABS-CBN dahil kitang-kita kung gaano sila kaseryosong nag-uusap.
Although wala naman nabanggit si Liza tungkol sa kanilang napag-usapan, marami ang nagsasabing tungkol nga ito sa Darna role na minana ni Liza kay Angel.

Well, sana nga ay magsimula na ito at baka maunahan pa sila ni Vice Ganda na nagpapla­nong gawin ang spoof movie ng nasabing Pinoy superhero.
Korek! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy