Una sa Balita

Liza umaray pagkatapos magpa-finger surgery

0 322

Matinding pagdurusa pa rin ang pinagdaraanan ngayon ni Liza Soberano dahil sa kanyang finger surgery.

Nag-post ang Kapamilya actress ng mga photo ng kanyang mga daliri na may benda, at ang kasunod ay may mga tahi at may metal frame support.

Ang isang video ay nagpapakitang nasa hospital bed siya, na kumakaway pa at medyo nakangiti.

Sa caption ay ipinaliwanag ni Liza ang dahilan ng kanyang pananahimik nitong mga nakaraang linggo. Nagpahinga raw siya sa Amerika, na dapat sana ay tatanggalin na rin ang mga plate sa kanyang mga daliri.

Pero nadiskubre raw ng kanyang doktor na hindi pa magaling nang husto ang kanyang buto at nakita ring may infection ang mga ito. Kaya naman ipinagpaliban na ang pagtatanggal nito para bigyan ng mas mahabang panahon ang kanyang daliri na gumaling nang husto.

Sa mga susunod na araw kapag puwede na raw galawin ulit ang mga daliri ni Liza, sasalang ito sa ikalawa at ikatlong surgery. Hindi madali ang pinagdaraanan ng aktres dahil sasalang pa siya sa mas maraming gamutan at operasyon, bago tuluyang mabalik sa normal.

Ang injury ni Liza sa finger ay nakuha niya sa aksidente sa taping ng nagwakas na serye nila ni Enrique Gil, ang “Bagani.” Ang nasabing problema sa daliri ng magandang aktres ang dahilan kung bakit kumalas siya sa remake ng “Darna.”

“Hi everyone!!! I’ve been M.I.A (missing in action) these past weeks and I’m sorry for not updating you guys sooner. My managers and I decided to take this time for me to recover fully.”

“I came to LA almost 3 weeks ago thinking I would be here for only 2 weeks. I was supposed to have surgery to remove my plates but it turns out that we were dealing with more than just protruding hardware.”

“During surgery the doctor discovered that my bone wasn’t healed and that I also had a bone infection (no one is to blame for the infection it just happens sometimes).”

“So now, I’m taking antibiotics through a picc line on my left arm. As soon as my infection is clear I will have my 2nd (and possibly 3rd) surgery.”

Pinasalamatan ni Liza ang kanyang mga manager na nag-aalaga sa kanya at sa mga LizQuen fan na walang sawang nagpapadala ng mga ‘get well soon’ wishes. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy