Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Liza umalma, nairita sa kampo ni BBM

0 164

Una na nga si Daniel Padilla, na ginamit ang video, photo sa TikTok, para palabasin na supporter siya ni Bongbong Marcos.

At heto naman ngayon, si Liza Soberano. Na agad pinalagan ng kanyang manager na si Ogie Diaz. Na nakakairita naman talaga, dahil wala ngang kamalay-malay si Liza, pero sinasangkot siya sa ganitong chika.

Makikita nga sa TikTok din ang photo ni Liza, na may linyang ‘Liza for BBM’, at “BBM is my President!”

Kaya heto agad ang warning ni Ogie:

“Fake News Alert!

“Eto talagang mga ito, walang magawa. Bakit hindi ‘yung mga achievement at accomplishment ni Bongbong ang ilatag niyo?

“Bakit nagre-resort kayo sa fake news?

“Juice ko, ang hindi alam ng mga ito, lalo nilang pinaparamdam na ito lang pamemeke ang kaya nilang gawin para i-build up si Bongbong.

“Isip naman kayo ng iba.

“’Yung mas makatotohanan!” sabi ni Ogie.

Well, simula pa lang ito ng sa tingin ko ay mas matinding giyera sa mga susunod na buwan, o sa mga panahon, bago ang eleksiyon. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.