Una sa Balita

Liza suportado ni Vilma sa Darna

By
0 694

Bilang pinakasikat na Darna, malaking bagay­ ang sinabi ni Vilma Santos patungkol sa mga nagdududa pa rin kay Liza Soberano bilang Darna ng makabagong henerasyon.

Ibinigay ni Ate Vi ang kanyang blessing sa Kapamilya actress at buong pagtitiwalang sinabi niya na kayang-kaya nitong gampanan ang most-coveted­ ­female superhero character sa local showbiz na kung ilang sikat na ring artista ang gumanap nito.

Isang mensahe ang iniwan ng Star for All Seasons kay Liza sa­ying na kayang-kaya niya ito as long as may paninindigan ito na gawin ang karakter at dapat maging proud talaga ito dahil ibig sabihin ay may nakita sa kanya ang bumubuo ng production lalo na si Direk Erik Matti upang sa kanya ito ipagkatiwala.

Ibig nga raw sabihin nito ay merong magic­ sa kanya kaya dapat lang niya itong ipagmalaki at gampanan nang mahusay ang role ni Darna/Narda.

Well, base naman sa report, todo-training­ na rin ang isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz upang maging matikas pa siya lalo sa kanyang fight scenes at buong-buo ang kanyang kooperasyon sa aspektong ito.

Binibiro nga raw si Enrique ng mga kabarkada nito na huwag siyang loloko-loko kay Liza dahil kaya na siya nitong patumbahin dahil sa training nga niyang pinagdaanan at pagdadaanan pa.

Oo nga naman, noh!