Una sa Balita

Liza suko agad na kabugin si Vilma sa Darna

By
0 28

Look, o! Mega-handa na nga si Liza Soberano upang maging fit siya physically and mentally para sa kanyang Darna project.

Actually, marami na nga ang nagulat sa pa-abs niyang performance noon sa ASAP na resulta ng ilang buwan na rin niyang pagwo-work out under the supervision ni Bok Santos na siya ring gumagabay sa fitness routine nina Kathryn Bernardo, Erich Gonzales at ni Queen Mother Karla Estrada.

Hindi lamang pala fitness work-outs ang ginagawa ni Liza kundi pati ang sa endurance at speed. Dapat lang, noh!

Aba, ‘di puwedeng lalampa-lampa at babagal-bagal si Darna or else, forever na lang siyang magpa-Narda, huh!

Anyway, natigil nga raw ito dahil may tinatapos pang episodes si Liza para proyekto naman niyang Bagani. Sunod nito ay super-training na naman daw ang gagawin niya para naman sa stunts dahil bilang si Darna nga, marami talaga siyang gagawing stunts.

Hindi pa rin daw sila nagkakausap ni Vilma Santos para makahingi siya ng maraming tips kung papaano niya gagampanan ang papel na pinasikat nito nang husto.

Kung meron talagang chance ay gagawin niya ito maging ang pagpanood niya sa mga past Darna movies dahil ayaw naman niyang maging asyumera na magiging kasinggaling siya ni Ate Vi.

Marami na ang sumunod na nag-Darna katulad nina Anjanette Abayari, Nanette Medved, Sharon Cuneta, Angel Locsin, Marian Rivera, at iba pa, pero naka­kabit na ito kay Ate Vi. Korek!

Teka, totoo ba na si Mark Neumann na ang leading man ni Liza sa pelikulang ito ng Star Cinema? Lumabas nga ang balitang hindi na si Enrique Gil ang magiging leading man ni Liza sa Darna at maging ang sinasabing cameo role niya rito ay fly, fly the butterfly na rin daw.

May lumabas na statement si Enrique Gil na definitely out na siya sa fantasy-action flick na ito, pero wala siyang nabanggit kung si Mark ang ipapalit sa kanya.

May nagsasabi ring muling naghahanap ang pamunuan ng proyektong ito kung saan kailangang may makitaan siyang chemistry with Liza.

Natural, lungkot-to-the-highest level ang LizQuen fans dahil halos lahat sila ay Ms. Hopia na muli nilang makikita onscreen ang kanilang mga idolo.

Aminado naman si Quen na ilang projects din ang gagawin nila ni Liza as solo artist, pero solidong-solido pa rin ang LizQuen tandem kung saan manggugulat na nga lang daw sila one of these days.

Sana nga.

Baron feeling close sa mga kapwa preso

Baron Geisler
Baron Geisler

Mukhang enjoy raw si Baron Geisler sa loob ng kulungan, base sa luma­bas na picture niya sa Instagram account niya. Ramdam nga na close na agad siya sa kanyang mga bagong boardmates (kapwa inmates).

Tingnan natin kung hanggang saan ang pasensiya niya sa kanyang bagong bahay.

Malay natin, kung sakaling tumagal pa siya roon, baka doon na siya ma-rehabilitate dahil for sure bawal ang alak doon o maging ang gumagawa ng gulo.

Or else, baka mabartolina siya, noh. Joke!