Una sa Balita

Liza Soberano pinakamaganda sa buong mundo

0 443

Nitong Abril nga ay nagsagawa ang Starmometer.com ng online poll upang alamin kung sino nga ba ang makalilikom ng pinakamaraming boto at mangunguna sa listahan ng “100 Most Beautiful Women in the World for the Year 2019”.

Libo-libong netizen ang nakilahok sa pagboto. At base sa resulta, mula sa listahan ng 100 na artista, pumili sila ng 20, hanggang sa naging 10 na lang na siyang naglaban-laban talaga.

Bukod sa kanilang website ay idinaan din ang pagboto sa Facebook, Twitter at Instagram.

Matapos ang isang buwang proseso, umabot sa kabuuan na 2,404,407 ang nalikom na boto.

At guess what? Nanguna sa listahan ang Kapamilya actress na si Liza Soberano! Yes, unang-una siya sa listahan ng mga pinakamagaganda sa buong mundo.

Base sa ranking na lumabas ay kabilang pa ang ilan sa mga sikat na celebrity mula sa Pilipinas gaya ng pang-12 na si Miss Universe 2018 Catriona Gray, Nadine Lustre na pang-23, at Gabbi Garcia na nasa pang-70.

Hindi lang ‘yan. Maski sa isinagawang survey kung sino ang pinakamaganda sa Pilipinas ay nanguna pa rin si Liza. Grabe talaga! Tinapos ni Liza ang lahat ng laban, wala nang makapalag! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy