Una sa Balita

Liza Soberano ‘most beautiful woman in the world’

0 906

Blackpink, Selena, Gal Gadot kinabog

Kaysarap kantahin ngayon ng mga hits na “Da­lagang Pilipina (Yeah)” at “Filipina Girl” nina Billy Crawford at James Reid lalo’t sa latest poll ng Starmometer ay nanguna sa Liza Soberano sa “100 Most Beautiful Women in the World 2019”. Angat ang gandang Pinay!

Ayon ito sa pinaghalong boto ng mga netizen (Facebook, Twitter at Instagram) at piling judge. May total na 370,420 votes si Liza, malayong pangalawa si Lalisa Manoban (Blackpink member) ng Thailand with 246,980 votes.

Imagine, tinalbugan pa niya ang mga Blackpink members na sina Lalisa, Kim Jisoo, at Kim Jennie, eh kamakailan lang eh “fangirling” si Liza sa mga ito sa Coachella!

Ilan pa sa mga kilala sa listahan ay sina Selena Gomez (6th), Wonderwoman na si Gal Gadot (9th) at Lily Collins (10th) ng Great Britain.

Lalo tuloy proud si Enrique Gil sa kanyang girlfriend. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy