Una sa Balita

Liza Soberano, Anne Hathaway atbp bakbakan sa ‘Most Beautiful Faces 2019’

0 389

abante-paistaran-dondon-serminoNanguna sa “The 100 Most Beautiful Faces of 2017” si Liza Soberano. Ang bongga nga niya, dahil puro magaganda at sikat na personalidad sa buong mundo ang nakalaban niya, ha!

Ang The 100 Most Beautiful Faces ay pa-survey ng social media, online site na TC Candler, na may libo-libong subscriber.

At ngayon nga ay muli nilang inanunsiyo ang pagbubukas ng taunang pa-survey nila. Tumatanggap na nga raw sila ng mga nominado, at kailangan lang kontakin sila via email link.

At nakakatuwa lang malaman na ngayong 2019 ay nominado ulit si Liza, ha! Dumagsa agad ang mga nominasyon para sa kanya.

“Liza Soberano Official Nominee for The 100 Most Beautiful Faces of 2019. Nominate on our YouTube channel. Comment something nice on our Instagram (@tccandler) to voice your support. #lizasoberano #philippines,” ang caption sa beautiful photo ni Liza sa TC Candler Instagram account.

At kaloka ulit, dahil ang pagkaganda-ganda, sikat na sikat na Hollywood actress na si Anne Hathaway lang naman ang makakalaban niya, ha!

“ANNE HATHAWAY Official Nominee for The 100 Most Beautiful Faces of 2019.

Nominate on our YouTube channel. Comment something nice on Instagram to voice your support. #annehathaway #actress,” ang caption sa kanyang photo.

Makakalaban din nila si Nana Okada na mula sa Japan. At yes, hindi nagpapahuli ang ganda ni Nana, dahil sabi nga nila, parang kumikinang ang mga mata nito, ha!

Anyway, makikita naman sa Twitter ang kagustuhan ng mga Pilipino na ma-nominate rin sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, at Maja Salvador.

Well, tingnan na lang natin kung makapasok nga sina Maja, Nadine at Kathryn. Aba, kung mag-iingat at boboto talaga sila, walang imposible, ha!

Julia, Alex mega rampa sa HK

Team Julia pala itong si Alex Gonzaga, ha! Sila nga ang magkasama sa paglalamyerda ngayon sa Hong Kong.

Makikita sa Instagram story ni Alex ang mga photo, video nila ni Julia Barretto, kasama pa ang ibang mga kaibigan. At mukhang close na close nga ang dalawa.

Si Rosanna Roces naman ay nagpahayag na Team Bea siya. Kasama nga siya sa bagong tele-serye ni Bea Alonzo. At sa photo nilang dalawa, pi-nuri niya nang husto ang kagandahan ni Bea.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy