Una sa Balita

Liza pinahirapan ng ahas na beauty queen

0 1,028

abante-anything-goes-jun-lalinMagsisimula na raw talaga ang shooting ng Darna movie ni Liza Soberano under the direction of Jerrold Tarog. ‘Yung mga nakunan daw under the direction of Erik Matti ay hindi raw gagamitin ni Direk Jerrold at “itatapon” na lang talaga ng Star Cinema.

Mali rin ang hula ng marami na si Anne Curtis ang gaganap na Valentina sa bagong Darna movie. Tinanggap na raw ng isang former beauty queen ang nasabing role at magkakaroon daw ang Star Cinema ng big announcement tungkol doon.

Sabi ng source ko, huwag na huwag babanggitin ang pangalan ng gaganap na Valentina dahil nga sa big announcement tungkol doon ng nasabing movie production division ng ABS-CBN.

Well, sana nga ay tuloy-tuloy na ang shooting ni Liza ng Darna movie dahil may movie rin sila ni Enrqiue Gil na gagawin sa Star Cinema.

Nora ginamit sa ‘fake news’

Ang bilis ng panahon dahil kahapon, 3rd death anniversary na pala ng Master Showman na si German Moreno. Bale may pa-mass kay Kuya Germs sa Greenhills chapel kahapon.

Kilalang malapit ang yumaong TV host/comedian sa mga may-ari ng nasabing shopping complex. Noong isang gabi, nakasama ko ang nephew­ ni Kuya Germs, si John Nite, pati si Shalala, at natanong ko sila tungkol sa isang Insta­gram post na may story conference raw ang Walang Tulugan with the Superstar.

Naka-tag pa ang ilang malalapit sa yumaong TV host sa post na ‘yon.
“Actually, nakita ko nga ‘yan, nagulat ako. Wala naman akong alam diyan, ‘tapos naka-tag din ako,” sabi ni Shalala.

Sabi naman ni John, imposibleng totoo ‘yon dahil sila nga raw na naka-tag doon ay walang kaalam-alam.

So, FAKE NEWS ang tungkol sa post na ‘yon na picture pa naman ni Nora Aunor ang nakalagay, ‘noh?!

Mother Lily aligaga sa event kay Bong

Mamaya ang pa-meet the press lunch nina Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Vera Perez-Maceda para sa dating senator na si Bong Revilla. Kahapon, nakailang tawag sa akin si Mother­ Lily na obvious na sobrang excited sa event nilang ‘yon ni Manay Ichu para kay Bong.
Ikinuwento ni Mother Lily na in-invite rin niya sa pa-lunch na ‘yon si former Senator Jinggoy Estrada.

“I invited Jinggoy. Sabi ko sa kanya, after ‘yung kay Bong, siya naman ang bibigyan namin ng lunch with the press.

“May mga in-invite rin ako na mga artistang close kay Bong,” excited na kuwento ni Mother Lily.

Nagpatulong pa nga si Mother Lily na mag-invite pa ng ibang mga star at showbiz personality na close kay Bong.

“I invited Tita Annabelle (Rama),” dagdag pa ni Mother Lily.

Sobrang mahal ni Mother Lily si Bong at ang pamilya niya, kaya ganoon siya ka-excited sa event mamaya.

Richard, Jen movie plantsado na

Noong Monday nagtapos ang Metro Manila Film Festival 2018 at hanggang ngayon ay hinihintay pa rin kung magkakaroon ng official announcement ang executive committee ng nasabing filmfest kung ano nga ba ang official ranking, pati kung magkano ang kinita, ng eight official entries nila.

Siyempre, alam naman ng lahat na ang “Fantastica” ang nag-number one, pero siyempre, gusto pa rin malaman ng lahat kung ano ba talaga ang ranking ng pito pang mga pelikula na kasali sa filmfest.

Anyway, mamayang gabi, may pa-block screening ang Aivee Clinic ng mag-asawang Drs. Aivee at Z Teo, sa SM Megamall.

Bilang support daw kay Richard Gutierrez na isa sa mga bida ng “Fantastica” ang pa-block screening na ‘yon ng mag-asawang direktor.

Ang alam ko, sasamahan ni Sarah Lahbati si Richard sa pa-block screening na ‘yon at invited din daw roon ang ilang celebrity na endorser ng Aivee Clinic.

Oo nga pala, dahil sa magandang feedback sa pagko-comedy niya sa “Fantastica” maraming mga fan ang nagre-request na sana ay gumawa pa ng comedy movie si Richard. Puwede rin daw na isang romantic-comedy ang gawin sana ng aktor.

Well, magandang suggestion and who knows, baka nga maisipan ng mga taga-Star Cinema na ganoong pelikula ang gawin ni Richard, although sa mga pelikulang gagawin ng nasabing movie production ay naka-lineup na ‘yung movie ng aktor with Jennylyn Mercado at naka-announce rin ‘yung reunion movie nila ni Angel Locsin!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy