Una sa Balita

Liza papalitan na sa ‘Darna?’

By
0 1,450
 
Inip na inip na raw ang mga fan ngayon sa “Darna” project ni Liza Soberano. Ilang taon na nga raw itong pinag-uusapan, pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
 
Nagdududa na nga ang mga fan kung para ba talaga kay Liza ang role na Darna. Na baka kaya natatagalan ay dahil naghahanap pa sila ng iba na mas bagay maging Darna? O gusto pa nilang palitan si Liza as Darna?
 
Well noon pa man ay marami na ang kumukontra sa pagiging Darna ni Liza. Ang iba ay si Angel Locsin pa rin ang type nilang maging Darna. Pero sabi nga ng mga kakampi ni Liza, inggit lang sila.
 
Well, wish ng mga fan ngayon na sana ay mabigyang li­naw na ang “Darna.” At sana ay ma­ging maganda talaga ito, na mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog.
 
Well, mukhang mahaba pa ang ipaghihintay ng mga fan, dahil ngayon nga ay busy si Liza sa Va­lentine’s day movie nila ni Enrique Gil. 
 
 
 
#howharddid­aginghityou challenge patok sa mga artista
 
 
 
 
Usong-uso ngayon sa social media ang pagkukum­para ng itsura noong nene/totoy days at ngayong 2019. Naging katatawanan pa ito sa karamihan, lalo na ang mga millennial!
 
Ang tawag sa trend na ito ay “#howharddid­aginghityou.”
 
Well, hindi nga nagpahuli riyan ang ilan sa mga celebrity tulad ni Vhong Navarro. Pero ang peg ni Vhong ay si Justin Bieber.
 
Imbes na throwback picture niya ang i-post niya, litrato nilang dalawa ni Justin Bieber na nagka­taong parehas sila ng damit ang pinost niya.
 
Pati si Kuya Kim Atienza, nakiuso rin! Tulad ng kay Vhong, hindi rin siya nag-post ng kanyang throwback photo kundi pinost din ang litrato nilang dalawa ng “Goblin” actor na si Gong Yoo kung saan todo kontra sina Anne Curtis at Candy Pangilinan habang tawang-tawa naman si Jugs Hugueta!
 
Isa rin si Drew Arellano na nakiuso at pinost ang litrato nilang dalawa ng asawang si Iya Villania kung saan makikita ang magazine na pinagmodelan nilang dalawa noong 2005.
 
Sumali rin si Sunshine Cruz na nag-post ng litrato niya noong 1994 at 2018 picture. Aba mas lalong namangha ang mga fan kay Sunshine dahil halos walang pinagbago lalo na ang katawan, sexy pa rin, kahit may mga anak na.
 
Natuwa rin ang mga fan sa entry ng singer/actor na si Marlo Mortel kung saan kinumpara niya ang itsura niya noong 2008 at 2018.
 
Kuwelang-kuwela naman ang pakikisali ni K Brosas sa trend nang i-post ang litrato niya noong 18 years old pa lamang siya at ang pinaka-recent picture niya. “Naknampuchang kilay yan!” sabi pa ni K sa kanyang caption.
 
Bentang-benta naman ang entry ni Tsang Amy Perez Castillo lalo na sa kanyang “Showtime” fami­ly. Pinost niya ang comparison ng kanyang 2009 vs 2019 look. Masasabi talagang halos wala ring pinagbago! Maganda at fresh pa rin!
 
Bumanat din ng matinding throwback pictures si Bianca Gonzales-Intal kung saan sunod-sunod talaga ang mga entry niya sa kanyang Instagram story ng kanilang old photos, ha!
 
Kasama niya sa mga throwback niya sina Toni Gonzaga, Luis Manzano, Mariel Padilla, at Rissa Manaquil.
 
Bongga rin ang kay Ruffa Gutierrez na ipinost naman ang photo niya nu’ng 1993 na may korona pa siya, at ang latest photo niya. Siyempre, parehong maganda si Ruffa, pero marami nga ang nagsasabi na mas maganda siya ngayon, ha!
Naku, ang dami pang artista ang sumawsaw sa challenge na ito. Check niyo na lang mga Instagram at Twitter account nila. 
 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy