Una sa Balita

Liza nakipag-meeting, pinayuhan ang bagong Darna

0 454

Nagkuwento si Liza Soberano sa naging meeting nila over dinner ng bagong Darna na si Jane de Leon. Nagbigay ng magagandang payo si Liza kay Jane dahil alam niyang malaking pressure ang mabigyan ng malaking role tulad ng Darna.

Kuwento ni Liza, hinanda niya ang sarili, physically and mentally, noong sa kanya unang binigay ang Darna role.

“I shared with her the journey that I had to go through in preparation for the character. And I just gave her words of encouragement and kind of parang like a pep talk on what to like look forward to about the role and everything,” sey ni Liza.

Sey naman ni Jane ay ramdam na niya ang pressure noong ibigay sa kanya ang iconic role na Darna.

“Masaya po ako sa tiwalang binigay sa akin ng mga tao. And ngayon siyempre gusto ko ulit magpasaya ng ibang tao, tumulong ayun po. Nape-pressure po ako. Kahit naman sino’ng nasa posisyon ko ‘yun ‘yung mararamdaman.

“Pero siyempre, kailangan mo lang tanggapin lahat. And magdasal. Lalo pa’t meron namang mga tao na nandiyan para suportahan ka.”

Naniniwala si Liza na kakayanin ni Jane ang pagganap bilang Darna.

“She’s a really nice girl and she’s very down to earth and I think she fits the role. I have no doubt that she can pull it off,” ngiti pa ni Liza.

In-assure ni Liza kay Jane na ang lahat ng mga aktres na gumanap na Darna in the past at susuportahan siya.

“Actually, even when I was currently onboard with the project, everybody would always make me feel welcome – all the previous Darnas.

“And I’m sure that they’ll all do the same with her because she’s equally as deserving,” pagtapos pa ni Liza. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More