Una sa Balita

Liza naiyak sa kasal kay Enrique

0 1,295

abante-paistaran-dondon-serminoFeeling ng mga tagahanga nina Liza Soberano at Enrique Gil, totoo ang nakikita nilang teaser ng kasalan ng dalawa. Ipinakita na nga ang wedding scene nina Liza, Enrique sa Bagani.

At may mga eksena na magkaharap sila, na parehong maluha-luha, at parang totoong-totoo na ikinasal sila, ha!
Isang seremonya ang magbubuklod sa pagmamahalang Lakas at Ganda!

“#KasalangBAGANI #Bagani,” caption ng Star Creatives, ang producer ng Bagani.

Kaya ang mga fan, gumana ang imahinasyon, at inilagay talaga nila sa mga puso at isip nila na totohanang kasalan na ‘yon.

@itseugene3996 “Ang guapo ni Enrique, prinsipe ang dating as groom at ang ganda gandang bride ni Liza sa mga posts parang Virgin of Fatima lalo siguro kung nakalagay pa sa head yung long white veil. Simpleng-simple but heavenly beauty. Ang ganda rin ng theme song ng Bagani. Sobrang nakaka-in love pakinggan, Jusko wag bibitiw mga ka-Bagani kahit antok na mamaya, wag muna matulog.”

@babiedavila “I can’t wait to see the Wedding of the Year at Sansinukob tonight.. Tutok lang mga LizQuen kafanfamily! #kasalangGandaAtLakas

#Weddingin Sansinukob 💪👸🎊 #Bagani #LakasAtGanda💪👸💕 #LizQuen.”

@mherlydecastro “Oh!!! My gosh…..so handsome groom I really2 like the costumes so perfect for Lakas perfect face.”

@enkyu28 “Pleaase ituloy ang kasal pati pulot-gata.”

Well…