Una sa Balita

Liza matatagalan ang pagpapagamot sa US

0 506

abante-anything-goes-jun-lalinNakita ko ang mga picture nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Los Angeles, California na pinost sa Facebook ng kaibigan naming si Mary Ann Opeña.

Tinanong ko si Tita Mary Ann kung saan niya sinamahan ang LizQuen love team.

“Nagpunta kami sa Cabazon Outlet. Namili lang, then kumain. After, inihatid na sila ni Noel (Alonzo),” sabi ni Tita Mary Ann.

Akala ko ay inihatid na ang LizQuen sa airport at babalik na ng Philippines, pero hindi pa raw.

“Inihatid sila sa uncle ni Enrique. May dinner sila. Ang alam ko, matagal pa si Liza dito sa US dahil nagpapagamot pa siya (ng finger).

Hindi ko lang alam kung gaano pa siya katagal.

“Si Enrique, mauuna yata, kasama niya sister niya, pero hindi ko alam when ang uwi niya ng Philippines,” kuwento pa ni Tita Mary Ann.

Siyempre, pinuri ni Tita Mary Ann ang LizQuen na mabait daw.

Aktres/singer tikom ang bibig sa foreigner BF

Tinanong ko ang isang actress/singe­r kung ano ang masasabi niya at pinagdududahang boyfriend niya ‘yung foreigner na pinost niya kamakailan sa kanyang social media account, pero dedma siya.

Before kapag tine-text ko si actress/singer na kaapelyido ng isang singer noon na mahilig sa jam (hahaha, given na given na) ay nagre-reply siya kaagad, pero ngayon, dedma siya.

Boyfriend na nga kaya niya ‘yung foreigner na ‘yon?

Ang tsikang nakara-ting sa akin, ipinakilala ng isang actress na mula sa isang kilalang showbiz clan ang foreigner na ‘yon kay actress/singer.

Nagbakasyon daw kasi ang foreigner na ‘yon dito sa atin kasama ang isang kaibigan ni actress na mula sa isang kilalang showbiz clan, kaya ipinakilala naman si guy kay actress/singer.

Siguro nagkuhanan sila ng contact numbers kaya nang magpunta sa US si actress/singer ay nagkontakan at nagkita sila.

Anyway, kung sakaling magkarelasyon na sila, deserve naman ni actress/singer na magka-love life na dahil ‘yung foreigner din na na-link sa kanya noon na ipinakilala naman sa kanya ng isang politician ay hindi naman nagtagal at tila naudlot agad.

‘Kara Mia 2’ hiling ng mga fan

Kagabi nag-start ang finale week ng “Kara Mia” kaya naman sad na ang mga follower ng series nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa GMA-7.

May ibang nagsasabi na sana ay in-extend na lang ‘yon dahil mukhang tuluyan na ring naudlot ‘yung “Rosang Agimat” na siyang unang napabalitang papalit sa “Kara Mia.”

May mga nagsasabi naman na gawan na lang ng book two ang “Kara Mia” at ipalabas sa afternoon slot ng Kapuso network.

Anyway, abangan sa Friday ang finale night ng “Kara Mia” dahil isa raw talaga kina Barbie at Mika ang papatayin.

Pero kung may mamamatay, malabo na kaya ang request ng mga fan na magkaroon ng book two? Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy