Una sa Balita

Liza mas kaakit-akit kay Catriona

0 399

Umulan ng ganda nang pinagtagpo sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at pinakamagandang babae sa buong mundo na si Liza Soberano sa “It’s Showtime” kamakailan.

Tuwang-tuwa ang mga fan sa pagkikita ng dalawang reyna­ ng kagandahan.

Sa mga nakaraang ulat nga, sinasabi ni Catriona na nakikitaan niya ng potensyal na maging pambato ng bansa sa Miss Universe ang aktres dahil sa taglay na beauty and intelligence nito. Again, si Liza nga ang pinakamagandang babae sa buong mundo, ayon sa starmometer last year, kaya no doubt na kayang-kaya nito na makipagsabayan sa mga beauty queen sa Miss Universe.

Feeling ng mga fan, maaring­ sign na ang pagkikita ni Catriona at Liza para sumabak ang aktres sa larangan ng pageantry kahit sinabi nito na mas gusto muna niyang mag-focus sa pag-arte.

Anyway, ‘di naman naiwa­san ng mga fan na pagkumpa­rahin ang beauty ng dalawa kung sino ang mas nag-stand out. Kesyo mas may dating si Liza, mas matangkad lang si Catriona pero ‘di rin nagpatalo ang mga Catriona fan na nagsasabing “Queen Catriona pa rin.”

Well, may kani-kanyang charm kasi silang dalawa. Equally beautiful naman talaga­ silang dalawa. Pero para sa mga millennial, mas maganda nga raw talaga si Liza kesa kay Catriona. May korona lang si Catriona, pero kung mukha ang pag-uusa­pan, mas masarap titigan si Liza, na kahit walang make up ay lutang na lutang ang kagandahan. At mas kaakit-akit nga raw ang mga mata ni Liza kesa kay Cat.

Again, kanya-kanya nga yan, ‘di ba? (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More