Una sa Balita

Liza mahusay mang-akit ng afam

0 473

Marami ang natuwa na kakaiba nga ang role ni Liza Soberano sa “Make It With You”. Na sa pilot week pa lang, ipinakita na agad ang karakter niya.

At marami nga ang nagulat sa ibang eksena, na kung saan ay tila ginagamit ni Liza ang kanyang alindog para mang-akit, ha!

Tuwang-tuwa, at nagkaroon nga ng malisya ang mga kalalakihan sa eksena na parang ang landi-landi ni Liza, na umabot pa sa punto na binuhusan niya ng juice/water ang kanyang dibdib, at pinunasan pa ito, sabay tingin sa kaharap ng foreigner, para akitin ito, at maisahan, o makuha niya ang gusto niya.

Aba, epektibo ngang manlandi, mang-akit si Liza, at kahit sinong lalaki nga, siguradong madadarang sa kagandahan na nasa harap niya.

Well, marami tuloy ang nag-aabang, ano pa kaya ang mga susunod na gagawin ni Liza? Kung may ipakikita na ba siyang kaseksihan (mga swimsuit moment), na tulad ni Enrique Gil, na magpapaulan ng abs.

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More