Una sa Balita

Liza kabogera ang beauty kahit tulog

0 490

Finish na talaga ang laban kapag kagandahan na ang usapan. Maski tulog, nanga­ngabog ang beauty ni “Make It With You” lead star na si Liza Soberano.

Matapos mag-trend ang #LizaSoberanoChallenge kung saan kailangang tumingala at mag-selfie ala Liza to show kung gaano kaganda ang ilong, bagong nauuso ang #LizaSoberanoSleepingBeautyChallenge.

May photo kasi na kumalat kung saan makikita si Liza na ­tulog at nakadantay ang ulo sa boyfriend nitong si ­Enrique Gil. ­Nakanganga, pero ubod pa rin ng ­ganda! Sleeping beauty is real!

Kaya ayun, so ­sobrang pagkainggit at patolera ng mga netizen ay ginaya nila ang naturang photo ni Liza. As if naman kaya nilang kabogin ang aktres? Hahaha! Ang unfair talaga minsan ng buhay eh noh, sinalo ni Liza ­lahat nang umulan ng kagandahan sa lupa.

Donalyn Bartolome nalason

Ok ba tayo tiyan? ‘Di ko mawari kung ‘belly good’ ang ginawa ni ­Donnalyn Bartolome na imbes na tumakbo sa ospital dahil na-food poison ay tila ­takot sa gastos kaya’t nag-self medication na lang. Kakaibabe!

Proud pang ipinost ng vlogger-singer ang kanyang yummy tummy sa Instagram, at ibinalita sa kanyang mga follower na na-food poison siya. Ikinuwento niya na ­hindi na siya nagpasugod sa ospital dahil ayon sa kanya, pasusukahin lang siya doon. Either ng kung anong nakain niyang sumira sa kanyang tiyan, or pasusukahin ng pera?

“Just healed from food poisoning and it’s the worst I’ve ever felt. Like ­dying, can’t talk, walk… and the worst part: 48 hours no food because even water was getting rejected by my body but I had to keep drinking so I don’t get dehydrated. I was gonna go to the hospital but I know all we’ll do is wait for all the toxic intake to come out,” post nito.

Grabe umano ang sama ng kanyang pakiramdam na pinilit nitong huwag kumain ng solid food for 2 days at puro pag-inom lang ng tubig ang kanyang ginawa. Saan niya kaya natutunan ‘yon? Sa internet?

Matapos na gumaan na ang pakiramdam ay nagbigay pa siya ng tips kung paano maiiwasan ang food poisoning.

Ini-reveal din ni Donnalyn na isang food company ang involved sa kanyang pagkakasakit, pero nakipag-ayos naman na umano ito sa kanya. Ayaw naman niya umanong si­raan ang business nito. Eh sis, sinira naman ang tiyan mo?! Hahaha!

Pero itong punto ko: Paano kung sobrang lala pala ng kaso ng food poisoning ni Donnalyn, at kanya itong pagdusahan habang buhay, worst ikamatay? That ain’t cute, sis. Isa pa, malaki ­naman siguro ang kinikita niya through vlogging, bakit pati health niya ­nakuha pa niyang tipirin? Sabi nga ‘di ba, health is wealth? ­Besides, nakipag-­ayos ang food company, meaning may damage or ­penalty ­siyang hiningi para itikom nito ang kanyang bibig. ­Magkano kaya? Hmmm…

Masaya ako na na-over­­come niya ang ­hirap ng pagsusuka at ­pagtatae dahil dito, at bonus pa na mas lalong naging flat ang kanyang tiyan. Pero sana, huwag ­isugal ang buhay kung kaya ­namang gumastos. ­Mahirap nang magsisi sa bandang huli.

Sa mga follower niya, it doesn’t work on ­everybody kaya’t hindi ko ­basta-basta ­tutularan ang kanyang ­self-medication.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More