Una sa Balita

Liza ka-level sa ganda sina Emma Watson at Natalie Portman

By
Liza Soberano
0 2,190

Pagkatapos ng tatlong taon na kinilala si Liza Soberano bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa buong mundo ng The British Independent Movie Critics, this time, yes, nasapol din ng Kapamilya actress ang number one spot.

Kung last year ay nasa 2nd ranking siya, pero sa taong ito, siya nga, at wala nang iba pa ang itinanghal na the Most Beautiful Face of 2017.

Wow, ‘kaw na talaga Liza!

Dahil sa recognition niyang ito, kaliga na niya ang Hollywood celebrities na sina Emma Watson, Natalie Portman, Emilia Clarke ng Games of Thrones at iba pa.

Siyempre, very proud ang kaniyang ‘dyowang’ si Enrique Gil na hindi raw siya nagseselos sa mga nagkakagusto kay Liza dahil ang ibig daw sabihin nito ay maganda talaga ang kaniyang ka-partner, on and off screen.

Eh, matapos ma-hail si Liza bilang may pinakamagandang mukha sa buong universe, marami ang nagwi-wish na maging daan na raw ito para sa isang international career for her.

Inaasahan din na marami pang photoshoots internationally ang mangyayari sa kaniya dahil sobrang lawak na nga ang opportunity na ito para sa Kapamilya actress.

Well, abangan natin, huh!

Kasama rin sa listahan si Nadine Lustre na nasa ika-78th, si Jessy Mendiola na ika-71 naman at ang seksing si Kim Domingo na nasa ika-96th na puwesto.
Ariba ang Pinay beauties, ha? Bongga!