Una sa Balita

Liza gusto pa ring makatrabaho si Direk Erik

By
0 188

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBilang pasasalamat at respeto sa dapat sana ay magiging direktor ng “Darna”, nakipagkita si Liza Soberano kay Direk Erik Matti. Mismong sa Instagram wall ni Liza naka-post ang larawan nila ni Direk Matti kasama ang manager niyang si Ogie Diaz at ang manager-business partner naman ni Direk Matti na si Dondon Monteverde.

Apat lang sila sa lara­wan kaya makikitang exclusive talaga ang pagkikita nila.

Nakasaad sa caption ng photo ang taos pusong pasasalamat ni Liza kay Direk Matti.

“Thank you so much for everything direk @erikmatti!!! This dinner really meant a lot to me. Hoping for a future project with you,” sabi ni Liza.

Si Direk Jerrold Tarog na ang magdidirek ng Darna. Na nakakaloka dahil ilang taon na plinano at prinoseso ang production ng “Darna” nina Direk Matti at Liza.