Una sa Balita

Liza, Enrique nag-celebrate ng anniversary

Kinilig ang mga fan

By
0 358

Hindi naman daw anniversary ng kanilang relasyon ang pinost ni Liza Soberano sa kanyang social media account, kundi anniversary ng una nilang pinagtambalang teleserye ni Enrique Gil, ang Forevermore.

Buong akala kasi ng ibang netizen ay anniversary date nila ‘yun bilang magdyowa, pero ‘yun pala ay anniversary date nila ‘yun bilang screen partners na apat na taon na rin silang magka-tandem.

Wishful thinking din ito ng kanilang mga faney na up to now ay ‘what you see, is what you get’ pa rin ang kanyang paek-ek tungkol sa kanilang totoong relasyon.

Aba, kung umamin na nga ang KathNiel sa kanilang limang taong relasyon, eh, ano pa raw ba ang pumipigil sa dalawa na gawin na ring official ang kanilang romantic relationship?

Naku, baka raw kapag may movie na rin sila para dagdag come-on din nga sa mga mo­viegoer, devah?

Sa totoo lang, nostalgic nga naman ‘yung anniversary date nila tungkol sa una nilang pagsasama sa trabaho, pero sana raw ay sa Benguet na rin sila nag-date para mas may impact sa audience, huh!

Pero, baka nga naman busy sila sa kani-kanilang trabaho kaya isiningit na lang nila ito para lamang kahit papaano ay makapag-celebrate sila.

Oo nga naman, noh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy