Una sa Balita

Liza, Enrique movie nangangamoy flop

0 1,346

Aware naman si Liza Soberano na posibleng hindi magustuhan ng mga moviegoer ang pag-take nila ni Enrique Gil ng “risk” kaugnay ng Valentine movie offering nilang “ALONE/Together.”

Bukod sa hindi raw ito ‘yung usual romcom na laging “hit” sa takilya, “the story itself is a big challenge to our tandem. Sana naman po ay sumabay din ‘yung mga follower at fan namin sa inaakala na­ming pag-mature namin as artists,” sey ng magandang aktres.

Natatakot, nenerbyos at pressured nga raw sila sa magiging outcome ng movie lalo pa’t nababalitaan nilang hindi gaanong kumikita ang mga local movies lately.

“Well, we have a good story to tell and that our director, the whole team has done their part to make it really noteworthy at huwag isipin ng mga tao na naloko sila. At this point, sasabihin ko pong nandun na ang tandem namin ni Quen sa aspetong mature adult na kami and that we are willing to take risks sa mga desisyon namin sa aming movie projects,” hirit pa ni Liza.

Balita ngang “ibang-iba” ang “Alone/Together”­ sa lahat ng projects na nagawa nila.

Sasali sa MMFF

Tama naman si Bong Revilla na sa eleksyon natin malalaman kung muli siyang pagtitiwalaan at ihahalal ng sambayanan. Kesa nga naman ubusin niya ang kanyang energy sa pagsagot sa mga ipinupukol sa kanyang isyu kaugnay ng pagkakalaya niya at pagwawalang bisa ng kaso niya.

“We cannot really please everybody, pero at this point, kami ng buong pamilya ko ay nakikiusap na sana naman ay pairalin ng mga kapwa Pilipino ang tamang respeto sa mga naging desisyon ng husgado,” bahagi pa ng paliwanag nito.

Bukod nga raw sa pag-ikot-ikot at pasasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya, pursigido din siyang pagtuunan ng pansin ang mga isyu sa showbiz.

Kasama na rito ang plano niyang maging aktibo this year at sumali sa 2019 MMFF. Nandiyan din ang usaping pagbabalik TV at ang pag-research sa ibang isyu dito para kung salaking makabalik daw siya sa Senado ay magsusulong siya ng mga batas kaugnay sa pagpapalawak ng interes ng movie going public, ang mga usapin sa social media, presyo ng sinehan, at iba pa.

Malabong bumalik sa showbiz

Wala namang plano si Jinggoy Estrada na magpaka-active sa showbiz.

“Mataba pa ako. Hindi ko pa uli na-a-achieve ‘yung ideal weight para hindi naman lumabas sa screen na sobrang taba ko, kaya wala siguro. Not this year,” sagot nito nang magbigay ito ng birthday treat sa mga showbiz friends.

Gaya ni Bong, ramdam din ni Jinggoy ang magkahalong reaksyon ng mga tao sa kanya. “But this is politics. Kung mahina ang loob mo, lalamunin ka talaga ng insecurities and fear mo.

Mas pinapansin ko na lang ‘yung mga taong alam kong nakikinig at handang maniwala,” sey nito.

Ang panganay nilang anak na si Janella na kasalukuyang Vice Mayor ng San Juan ay tumatakbo ngayong Mayor at kasama nila si papa Doods Edu Manzano na panlaban nila sa iisang distrito nito sa Kongreso.

Matindi ang labanan sa San Juan City kaya’t isa ito sa inaasahang tutukan ng mga nasa politika.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy