Una sa Balita

Liza, Enrique lambingan to the max sa snow

By
0 686

White Christmas naman ang pinagsaluhan nina Liza Sobe­rano at Enrique Gil, dahil magkasama nga ang dalawa sa Amerika ngayon.

Makikita sa Instagram stories nilang dalawa ang mga video na magkasama silang dalawa, at pati na ang pamilya ni Liza, ha!

“Hey, baby!” ­unang chicka ni Enrique kay Liza.

“It’s beautiful! Beautiful! Beautiful! Beautiful!” chicka pa ulit ni Enrique sa video na halos naka-close up na ang mga mukha nila ni Enrique.

“My lips are dry!” natatawang sabi naman ni Liza.

“Gotta go city goats!” sunod na chicka pa ni Enrique.

“Snowball fight!” say pa rin ni Enrique.

Sa Instagram stories naman ni Liza, makikitang kasama niya ang ilang mga bata na halos kahawig niya, at si Enrique siyempre.

Sa mga ganitong okasyon, malalaman­ mo talaga kung sino ‘yung mga love team na totoong nagma­mahalan, at kung sino ‘yung pang-ca­mera lang. At sina Liza at Enrique, certified na nagmamahalan talaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy