Una sa Balita

Liza, Enrique bongga ang lambingan sa Croatia

0 1,148

Malapit nang bumalik sa ABS-CBN primetime ang tambalang LizQuen nila Liza Soberano at Enrique Gil. Gagawin ng LizQuen ang kanilang comeback teleserye titled “Make It With You” na may early 2020 release. Huling napanood ang Kapamilya love team sa fantaserye na “Bagani” noong 2018.

Nagpahinga sa paggawa ng teleserye si Liza dahil sa natamo niyang aksidente sa isang mabigat na eksena sa “Bagani”. August 8, 2018 nang ma-fracture ang right index finger ni Liza sa isang fight scene sa teleserye nila ni Enrique. Kaeksena ni Liza noong maaksidente siya ay ang aktor na si Justin Cuyugan.

Naging dahilan ang fractured right index finger ni Liza sa pagtanggi niyang gawin ang project na “Mars Ravelo’s Darna”. Napunta ang coveted role na ito sa baguhang Kapamilya actress na si Jane de Leon.

July 2019 nang maoperahan sa US ang fractured index finger ni Liza. Sa kanyang Instagram ay pinost ni Liza ang graphic photo ng kanyang crooked index finger na sinusuportahan na ng metal brace.

Pagkatapos ng ilang buwang pahinga, ready nang bumalik si Liza sa bagong teleserye with Enrique. Sa katunayan ay nag-pictorial na sila for the teleserye noong nakaraang nakaraang Friday, November 15.

Nag-taping ang LizQuen love team sa bansang Croatia kasama ang director na si Cathy Garcia-Molina noong nakaraang September. Nag-aral pa raw si Liza ng Croatian language bago sila nag-tape ng mga eksena sa naturang Eastern European country.

Gaganap kasing OFW sa Croatia si Liza kunsaan makikilala niya nang aksidente si Gil. At bongga nga raw ang lambingan ng dalawa sa Croatia, ha!

Parating top-rater ang mga teleserye ng LizQuen tulad ng “Forevermore” (2014) at “Dolce Amore” (2016). Sa big screen, huling napanood ang dalawa sa box-office hit na “Alone/Together” (2019). (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More