Una sa Balita

Liza Diño, emotional sa MOA ng FDCP at PAG-IBIG…

By
0 6

Teary-eyed at ­emosyunal talaga si Liza Diño bilang Chairman ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) sa nangyaring signing of memo­randum of agreement ng FDCP for partnership with SSS ­(Social Security System), PhilHealth at Pag-IBIG.

Sobrang espesyal kay Liza ang naturang event dahil ito ang katuparan ng pangarap niya para sa mga artista at industry workers para magkaroon ng access sa PhilHealth, SSS at Pag-IBIG ng mga benepisyo na nae-enjoy ng mga karaniwang empleyado.

Hanga kami kay Liza dahil sa rami ng mga ­naupo sa FDCP, siya ang may visible na nagagawa talaga at isa na nga ito na dapat lang naman na may access ang mga actors and industry workers sa tatlong ­basic social services.

Suportado si Liza sa magandang katuparan ng pangarap niya ng ilang personalidad at celebrities ­tulad nina Cherry Pie Picache, ­Kahlila Aguiluz, Bituin Escalante at Bibeth ­Orteza na present din sa ginanap na ­signing of memorandum.

Sa August 30-31 sa University of the Philippines Film Institute ang Film ­Workers Summit kung saan magkakaroon ng whole day booths and concessionaires, national registry on-site registration, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG on-site registration, workers’ Real Talk at iba pa.

Sana dumalo ang halos lahat ng taga-industriya sa napakagandang advocacy na ito ng FDCP. Para naman yung kapag may sakit o pangangailangan na, may ­magiging support sila.