Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Liza, Catriona suportado ng mga kapwa artista

0 197

Sanib-puwersa ang mga kapwa artista sa pagtatanggol, suporta kina Liza Soberano, Catriona Gray, dahil sa ‘banta’ ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.na baka matulad ito sa ibang rebelde, dahil sa grupong Gabriela.

Agad ngang kinuyog si Parlade ng mga artistang kumampi kay Liza.

“Walang ginagawang masama si Liza Soberano. She is a young woman finding her own voice and she just wants to use it to empower other women. We support you,” sabi ni Bianca Gonzales.

“I support Liza and Catriona,” saad ni Ces Drillon.

“Though times are difficult. Often frustrating…i believe this generation will not stand for bullshit anymore. A beautiful change is taking place. FIGHT!” sey ni Chynna Ortleza.

“I stand with @lizasoberano and all the women who speak up for their rights. Women who speak up for what is right. Yakap Hope. We’re here for you!” giit ni Kean Cipriano.

“Downright mansplanning. 2021 na. Tigilan na to please. Stand strong @lizasoberano. You have not done anything wrong!” sey ni Karen Davila.

“Yes to Red Maleta, Yes to Res Lipstick, Yes to Res Dress, #NoToRedTagging #darnahindikanagiisa,” ang chika naman ni John Lapus sa kanyang Instagram.

Heart pinagtawanan sa palitaw

Pinagtawanan ng mga fan si Heart Evangelista dahil sa maling pagtukoy nito sa isang larawang ni-retweet niya. Nasilaw si Heart na sinabayan ng matinding excitement nang makita niya ang larawan ng dalawang plato na may hugis na LV (Louis Vuitton) at Chanel, na mula sa tweet ni @therealjeffrey9.

“OMG is that palitaw??! That’s my fav!!!” sabi ni Heart.

SM food to go Banner Ad

Dahil puti ang kulay ng mga hugis inakala ni Heart na palitaw ang mga ito pero ito pala ay hinugis na kanin lamang. Inulan ng katatawanan at pambubuska si Heart sa naging reaksyon nito.

“Thought of the day…bakit kasi hindi nalang naging palitaw. Well…wag ipilit ang hindi talaga!” patawang bawi ni Heart.

Vina bawal sa ‘pinakurat’

Super allergic si Vina Morales sa salitang “pinakurat”. Sabi ni Vina sa Instagram, hindi na niya ilalagay pa sa negosyo niyang suka ang salitang pinakurat.

“I love to do business po small or medium po. Masipag po ako. Pasenya na hindi pwede ilagay ang “Pinakurat” word sa business…let’s change po sabi ni Atty Lucille, “Sukang Binisaya” na lang. Let’s use that po. Sa lahat na hindi pwede mag-mention ng Pinakurat sa business nila po…ayaw ko ng issue, maliit na bagay lang po ang Pinakurat. Basta Inday Beena’s Best po tayo. Salamat po,” sabi ni Vina.

So, bawal palang gamitin ni Vina ang ‘Pinakurat’ ha! Sino kaya ang nagreklamo?

Zsa Zsa kinainggitan ng matanda

Kinainggitan si Zsa Zsa Padilla ng isang 71-year old fan nang iposte nito sa Instagram ang video at photo ng ginawa niyang camping sa tabi ng ilog sa Atimonan, Quezon.

Ramdam ang kasiyahan ni Zsa Zsa sa nararanasang buhay probinsya ngayon. Nag-comment ang matandang fan at sinabing sana ay ginawa na rin niya ang ginagawa ngayon ni Zsa Zsa noong kabataan niya.

Napako sa trabaho, pag-asikaso sa mga anak ang naturang babae. Kaya inggit siya kay Zsa Zsa na nakikipag-connect sa nature ngayon.

“@walkwithlola. God Bless you I’m doing all these until I still can,” ang tugon ni Zsa Zsa sa matandang fan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.